Walang taong aasa kung walang magpapaasa, vice-versa wala din naman paasa kung hindi umaasa. Desisyon na lang natin kung saan tayo lulugar, mag-papaasa o aasa!
Para sa taong PAASA: Sila ung mga taong walang pakialam sa nararamdaman ng iba. Mas mahalaga sa kanila ung pakiramdam lang nila. Mas iniisip yung sariling kapakanan, sariling benepisyo ang pinahahalagahan. Yung kukulitin ka ng kukulitin, magpaparamdam para ika'y pakiligin. Na kahit anong iwas mo di mo mapigilan ang sarili na siya'y mahalin. Kahit alam mong bandang huli, iiwan ka lang din. Iiwan, kasi kahit minsan di ka nya kayang mahalin. Kasi ang turing nya sayo ay kaibigan lang din. Kung mag-alala sayo parang may KAYO. Ang sarap sa feeling hanggang sa malaman mo di lang pala sayo. Ang sweet nya, sobra sobra. Sa lahat ng pinapakita, napakapaasa. Wala nang mas gagaling pa sa kanya. Napa-ikot ka na, napahulog ka pa. Pero sympre may okay din sa kabilang banda, di mo na nga lang mababago sa kanila. Wala silang pinapakita kundi puro kabutihan, pero para sa iba binibigyan ng maling kahulugan. Kaya yung likas na sa kanila, napapasama sa mata ng iba.
Para sa mga taong UMASA: Sabi ng iba, sila ung biktima o pwedeng nag-assume lang din sila. Hindi mo rin masisisi kung bakit sila laging api. Kasi nga umasa, umasa sa akalang pinapakita/pinapadama ay totoo. Na kahit ilang beses masaktan ay di parin natututo. Umaasa na ang kanilang nakikita ay katulad ng kanilang pinapadama. Masakit din ang siwatsyon na kanilang tinatahak. Puso nila ang nakasalalay kapag sila ay napahamak. Kahit isampal sa kanila ang katotohanan, di sila papatinag dahil sa kanilang nararamdaman. Bakit nga ba ganun? Kahit kitang kita at alam nila ang totoo, ipagpapatuloy parin ng todo. Ang sakit umasa, ang sakit magmukhang t-a-n-g-a ! Ang sakit na alam mo namang walang pag-asa, pinipilit at tinutuloy mo pa. Umaasa ka na mamahalin ka din nya. Pero hanggang saan ka nga ba aasa? Kung una palang alam mo ng walang lugar ang 'TAYO' sa inyong dalawa.
-JD
BARKADA!
Tuesday, October 9, 2018
Thursday, August 16, 2018
BARKADA, TROPA, MAHAL KITA!
Andyan ang asaran, kulitan, kalokohan at kung ano anong usapan na ang resulta ay hindi maipaliwanag na saya. Kay sarap balikan ng mga musmos at walang bahid ng sakit ng nakaraan. Puro katuwaan lang ang nalalaman. Kalokohan ay ang tanging asaran. Mga panahong hindi alam ang salita na kung saan alam mong pag binanggit ngayon ay sakit lang ang mararamdaman. Barkada ang turingan at kaibigan sa oras ng kailangan. May udyukan kung sino ang taya pero solido parin ang samahan. Hindi matutumbasan ng kahit anong halaga ang walang patid na saya. Sa twing nagtatama ang ating mata, ngiti ang agad bubungad sa'ting dalawa. Na para bang alam na ang ibig sabihin. Kahit hindi na bigkasin. May mga pagkakataon na sobra kang nag-aalala. Ayokong bigyan ng kahulugan kasi nga kaibigan lang. Pero mas kabado ako sa twing magkakasalubong tayo, ung beat na tanging pangalan mo lang ang sambit. Sabay hampas sa ulo, loko tropa mo ung kaharap mo. Pero mas lumalim ang samahan. Minsang nagkakaiwasan na para bang may pader na nakaharang. Pero nabuwag din naman, nabasag ng tuluyan. Yung mga dating kulitan ay napalitan ng suyuan. Minsan, isang araw hindi ko namalayan. Puso ko'y nahulog ng tuluyan. Yung pakiramdam na ikaw ay kailangan parang mali kasi nagka-i-langan. Pagkakaiba ng kaibigan sa kai-bi-gan. Nakakalito, sa loob ng ilang segundo nabaling sayo ang aking mundo. Umiikot ikot sa alam kong tropa lang tayo! Pinakamahirap na sitwasyon na kailangang panindigan hanggang dulo. Yun ay ang sariling TROPA, BARKADA. Pero bakit mahal na kita! Hindi bilang sa maalin sa dalawa. Kundi dahil mahal na nga ata kita.
Dumating sa puntong tanging mata na lang ang nag-uusap. Tingin ko sayo, pinalitan ng tingin at ngiti mo. At sa hindi maipaliwanag na dahilan bakit parang nagkakaunawaan. Pero hindi ko alam ako lang ba ang nakadarama o parehas tayong dalawa? Nakakatakot subukang ipagtapat! Kase ayokong mapahiya. Alam ko namang may iba kang gusto, kahit sinabi mo na 'matagal na yun' un parin nasa isip ko. O mas tinatatak ko lang sa isip ko na malabong magkaroon ng tayo, kase tropa kita.
Baka kasi kapag sinimulan ko pa mawala ang matagal na iningatan. Yung pagkukulitan ay mapalitan ng di pagkikibuan. At sa mga pagbabakasakali ay mapunta sa pagsisisi. Ayokong umabot tayo sa puntong tuluyan kang umiwas at lumayo. Kaya mas pipiliin ko kung saan tayo mas tatagal. Mas mabuti na ako na lang ang masaktan kesa parehas tayong mahirapan.

Subscribe to:
Comments (Atom)
Walang taong aasa kung walang magpapaasa, vice-versa wala din naman paasa kung hindi umaasa. Desisyon na lang natin kung saan tayo lulugar, ...
-
Walang taong aasa kung walang magpapaasa, vice-versa wala din naman paasa kung hindi umaasa. Desisyon na lang natin kung saan tayo lulugar, ...
-
Andyan ang asaran, kulitan, kalokohan at kung ano anong usapan na ang resulta ay hindi maipaliwanag na saya. Kay sarap balikan ng mga musmos...